Executive Order na nagpapatupad ng nationwide smoking ban, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte

212

Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order number 26 na nagpapatupad ng nationwide smoking ban.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Paulyn Ubial.

Ayon kay Ubial, noong May 16 pa nilagdaan ng pangulo ang nasabing kautusan.

Aniya, napapanahon ang paglagda ng pangulo sa nationwide smoking ban lalo’t gugunitain ang “world no tobacco day “ sa May 31.

Sa ilalim ng kautusan bawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, indoor man o outdoor.

Una nang sinabi ng pangulo noong kampanya na gusto niyang ipatupad sa buong bansa ang smoking ban na nauna na nilang pinagtibay sa Davao City.

Hindi na sinabi ang petsa para sa aktuwal na implementasyon ng kautusan dahil kailangan pang ilathala sa mga pahayagan ang mga detalye ng nasabing Executive Order.
DZXL558







Facebook Comments