Executive Order para sa pagtatalaga ng mga Cabinet Officer sa mga rehiyon ng bansa, ilalabas ng Malacañan

520

Maglalabas ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng rekomendasyong magtalaga ng Cabinet Officers for Regional Development and Security.

Ito ay makaraang aprubahan ng Pangulo ang nasabing mungkahi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon.


Layon nito na magkaroon ng point person at tagapagpaabot ng magagandang balita mula sa pamahalaan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nais ni Esperon na magkaroon ng isang Cabinet Secretary na magsisilbing Cabinet Officer sa bawat rehiyon.

Ang mga ito aniya ang magpapaabot ng mga pangunahing serbisyo at pangkabuhayan sa mga nangangailangan.

Sa pamamagitan nito, matutuldukan ng pamahalaan ang Local at Regional Communism.

Facebook Comments

From Advertisers