Executive Secretary Victor Rodriguez, tinawag na demolition job ang mga lumabas na balitang pagbibitiw niya sa pwesto

402

Tinawag na demolition campaign ni Executive Secretary Victor Rodriguez ang lumabas na balita na ‘di umano ay nagbitiw siya sa pwesto.

Pero sinabi ni Rodriguez na hindi siya apektado sa ganitong mga paninira.

Aniya, mas marami siyang trabahong dapat gawin para sa kapakanan ng 31 milyong Pilipinong nagtiwala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaysa patulan pa ang paninira ng ilang grupo.


Aniya, posibleng nakarating na ang balitang ito kay Pangulong Marcos dahil nagmo-monitor ito ng mga balita ngunit hindi naman aniya nila pinag-uusapan ang mga ganitong uri ng paninira.

Kung tutuusin kasi aniya ay mas mabigat pa rito ang mga kinaharap na batikos at paninira sa pangulo sa nakalipas na 36 na taon.

Sinabi pa ni Rodriguez na bilang isang little president, mabigat ang nakaatang sa kaniyang mga responsibilidad kasama na rito ang pagtugon sa lahat ng concerns ng bawat department secretaries.



Mas dapat aniyang pagtuunang pansin ang mga trabahong ganito sa halip ang mga tsismis lang.

Facebook Comments