Experts mula Israel, dumating sa PH para ibahagi ang karanasan sa COVID case management

51

Dumating sa bansa kahapon ang panibagong batch ng delegado mula sa Israel para ibahagi ang kanilang karanasan at best practices sa COVID-19 Response Operations, lalo na sa clinical management.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, limang araw na bibisita sa bansa ang Israeli clinical experts, at ibabahagi nila ang kanilang clinical guidelines para sa COVID-19, infection control protocols, hospital management at iba pang practices.


Magkakaroon ng serye ng aktibidad ang mga delegado at oobserbahan nila ang COVID-19 response ng bansa.

Maglalabas din ang mga banyagang eksperto ng kanilang rekomendasyon kung paano pa mapapahusay ang clinical management ng COVID-19 cases.

Facebook Comments