Expiration date ng mga face shield, kinuwestiyon ni Pangulong Duterte

Kinuwestiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang expiration date ng mga face shield sa bansa.

Giit ni pangulo, maaari pang magtagal nang 10 hanggang 15 taon ang face shield.

Taliwas ito sa nakasaad sa Procurement Service Department of Budget and Management (PS-DBM) Technical Requirement document kung saan dapat na hindi bababa sa 24 hanggang 36 months ang shelf life mula sa petsa ng delivery.


Nang tanungin naman ng pangulo si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III hinggil dito, sinabi ng kalihim na batay sa mga eksperto ay may tinatawag sa shelf life ang mga face shield na tumatagal lamang ng 36 buwan.

Facebook Comments