EXPRESSWAY MULA EASTERN HANGGANG WESTERN PANGASINAN PRAYORIDAD NG BAGONG GOBERNADOR

Isa sa inilatag na programa ni outgoing 5th district Congressman at incoming Governor Ramon Guico III na maisasakatuparan ang pagpapatayo ng Eastern to Western Pangasinan Expressway na naglalayong makakapagbigay ng karagdagang trabaho at upang madaling maabot ng mga turista ang mga pamosong pasyalan sa lalawigan.
Sa isang presscon na ginanap sa bayan ng Lingayen, ayon kay incoming Governor Guico III tututukan din nito ang healthcare system sa mga provincial government-run hospitals.
Dagdag pa niya, tinitignan din nito ang karagdagang gamit medikal at personnel sa 14-running hospital ng probinsya.

Samantala, ang scholarship program ng dating administrasyon ay kanyang ipapagpapatuloy at target na madagdagan pa ang mga scholars sa lalawigan. | ifmnews
Facebook Comments