EXTENDED | COMELEC, pinalawig ang deadline para sa registration ng mga political parties bilang coalition

47

Manila, Philippines – Pinalawig ng Commission on Elections (COMELEC) ang deadline para makapagrehistro para sa kowalisyon ang mga partidong pulitikal.

Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Ayon sa COMELEC, inamyendahan ng poll body ang naunang resolusyon nito na nagtatakdang sa August 31 ang deadline ng filing ng petitions of registration of coalition of political parties.

Dahil dito, extended na hanggang September 15 ang paghahain ng nabanggit na petisyon.

Facebook Comments