EXTENDED | Termino ni AFP Chief Guerrero, pinalawig

37

Manila, Philippines – Extended ang termino ni General Rey Leonardo Guerrero bilang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang extension ng termino nito base sa Republic Act No. 8186 ng anim na buwan mula nang maitalaga siya bilang pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Nakatakda sanang umalis sa serbisyo si Guerrero sa Disyembre disi-siyete ngayong taon para sa kaniyang mandatory age of retirement.

Pero sa utos ng Pangulo uupo bilang hepe ng AFP si Guerrero hanggang Abril 24 ng 2018

Facebook Comments