Extension sa paggamit ng 2020 budget at Bayanihan 2, pirmado na ni Pangulong Duterte

178

Pinalawig hanggang ngayong taon ang effectivity ng 2020 national budget at ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Ito ay matapos malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11520 na nagbibigay daan para magamit hang 2020 budget hanggang katapusan ng taon.


Sa ilalim naman ng Republic Act No. 11519, epetikbo ang Bayanihan 2 hanggang June 30, 2021.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, mahalaga ito para tuloy-tuloy lang ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa COVID-19 response at sa pagpapasigla muli ng ekonomiya.

Matatandaang sinertipikahan ng Pangulo ang dalawang batas bilang urgent measures.

Facebook Comments