EXTENSION | Sec. Eliseo Rio, humingi pa ng ilang linggo para pamunuan ang ahensya

27

Manila, Philippines – Hiniling ni Department of Information and Communications Technology (DICT) acting Secretary Eliseo Rio na mabigyan pa siya ng ilang bilang pinuno ng kagawaran.

Ito ay upang matapos niya ang mga nasimulang trabaho ukol sa pagpasok ng ikatlong telecom player sa bansa.

Bagaman at tanggap ni Rio ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi niya nakikitang kailangang madaliin ang pagpapapalit ng liderato sa ahensya.

Matatandaang tinanggap na ni Senador Gringo Honasan ang alok ni Pangulong Duterte na maging kalihim ng DICT.

Facebook Comments