Extradition o pag-surender ni Sen. Bato dela Rosa, pinag-aaralan na ng pamahalaan kung may arrest warrant na mula ICC

Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang extradition o pag-surrender kay Sen. Bato dela Rosa kung may arrest warrant na mula International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Chief State Counsel Dennis Arvin Chan, ito ang dalawa nilang opsyon sa ilalim ng Republic Act 9851.

Ngunit wala pa aniya silang nakikita o hawak na kopya ng arrest warrant laban kay Dela Rosa sa kabila ng pagkumpirma ni Ombudsman Boying Remulla sa isang radio interview.

Ipinaliwanag ni Chan na mas mabilis ang proseso ng pag-surrender ni dating PNP Chief ng Duterte Administration ‘theoretically’ kumpara sa extradition na kailangan pa ng maraming hearing.

Samantala, hinihintay na rin nila ang resolusyon ng nakabinbing petisyon ng kampo ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa Korte Suprema.

Facebook Comments