FA50 jet fighter aircraft ng PAF, nawawala

Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) na nawawala ang isa nilang FA50 jet fighter aircraft.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, nawala ang nasabing jet fighter kaninang madaling araw habang nagsasagawa ng tactical night operations.

Ani Castillo, nawala ang aircraft bago makarating sa Mactan, Cebu.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng extensive and thorough search operations ang PAF upang mahanap ang nawawalang fighter aircraft ng PAF.

Facebook Comments