Face mask requirement, aalisin na para sa mga nabakunahan na kontra COVID-19 sa Brazil

161

Plano ni Brazil President Jair Bolsonaro na hindi na i-require ang pagsusuot ng face mask sa mga indibidwal na nabakunahan na kontra COVID-19.

Ayon sa pangulo ng Brazil, inihahanda na ng kanilang health minister ang alintuntunin para rito.


Aniya, ang quarantine protocols ay dapat lamang ipatupad para sa mga taong tinamaan ng virus.

Matatandaang nagsagawa ng kilos-protesta ang libu-libong mamamayan ng Brazil dahil sa pagsalungat ni Bolsonaro sa pagpapairal ng lockdown at social distancing sa kabila ng pagkakaroon ng second-deadliest Coronavirus outbreak sa kanilang bansa.

Facebook Comments