“Face shield policy”, hindi pa pwedeng alisin – DOH

42

Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa pwedeng tanggalin ang face shield policy.

Kasunod ito ng apela ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na huwag nang i-require ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar at i-adjust ang pandemic policy.


Sabi ni Duque, okay lang naman ang mungkahi ng alkalde kung malaki na ang vaccination coverage.

Sa ngayon kasi, nasa 2% pa lamang ang two-dose vaccination coverage sa bansa dahil sa limitadong suplay ng mga bakuna.

Facebook Comments