Face-to-face classes sa clinical program ng UP College of Medicine, inaprubahan ng IATF

33

Inaprubahan na Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagpapatuloy ng face-to-face classes sa clinical program ng University of the Philippines College of Medicine.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na gaganapin ang internship sa UP- Philippine General Hospital (PGH) at mayroon silang exception sa itinakdang guidelines ng IATF.


Ang PGH ay pinangangasiwaan ng UP kung saan isa sa mga plano ng pamunuan ng unibersidad ay ang pagtatayo ng extension ng PGH sa kanilang main campus sa Diliman, Quezon City para mapalawig pa ang kapasidad ng kanilang health facility at maging training ground na rin ng mga aspiring doctors.

Facebook Comments