Face-to-face classes sa kursong nursing at physical therapy, magsisimula na sa Unibersidad de Manila ngayong araw

Magsisimula na ngayong araw ang face-to-face classes sa Universidad de Manila (UDM) para sa kursong nursing at physical therapy classes.

Kasunod ito ng pagpasa ng unibersidad ang isinagawang inspeksyon ng Commission on Higher Education (CHED), nitong Miyerkules, Nobyembre 17.

Ayon kay UDM President Felma Carlos-Tria, ipagpapatuloy nila ang face to face classes kasabay ng pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon.


Bagama’t dalawa pa lamang na programa ng unibersidad ang nabigyan ng go signal na mag face to face classes, tiniyak ni Carlos-Tria na naghahanda na rin sila para sa ibang programa at kurso.

Tiniyak naman nito sa mga magulang ng kanilang estudyante na mahigpit na sinusunod ang health protocols kung saan ang lahat ng kanilang mga empleyado ay nabakunahan na laban sa COVID-19.

Facebook Comments