Face-to-face classes sa mga kursong Engineering at IT, pinag-aaralan na ng CHED

47

Pinag-aaralan na ng Commission on Higher Education (CHED) na payagan ang limitadong face-to-face classes sa mga kursong Engineering at Information Technology (IT).

Ayon kay Dr. Prospero de Vera III, Chairman ng Commission on Higher Education (CHED), sa oras na magtuloy-tuloy ang zero transmission o walang kaso ng hawaan ng COVID-19 sa mga unang kursong pinayagan, ay malaki ang posibilidad na payagan na rin ang face-to-face classes sa Engineering at IT.


Sa ngayon, umabot na sa 64 na unibersidad sa Pilipinas ang pinayagang magdaos ng limitadong face-to-face classes sa medical at allied health sciences courses.

Pero sa mga naunang nang nagdaos noong Enero, walang naitala ang CHED na hawaan ng COVID-19 sa mga mag-aaral.

Facebook Comments