Face-to-face classes sa mga pribadong paaralan sa NCR, posibleng sa susunod na taon pa magsimula – DepEd

105

Maaaring sa susunod na taon pa masimulan ang face-to-face classes sa mga paaralan sa Metro Manila.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, kailangan pa nilang makuha ang kabuuang risk assessment at consent ng mga Local Government Unit (LGU).

Aniya, mayroon pa rin kasing LGUs ang nagdadalawang-isip at nakaantabay sa sitwasyon ng COVID-19 pandemic sa susunod na taon.


Sa ngayon, nasa 120 mga paaralan pa lamang sa buong bansa ang pinayagang magsagawa ng limited in-person classes bilang bahagi ng pilot phase nito.

Facebook Comments