Face-to-face consultation, papayagan na sa Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Maynila

21

Muling ilulunsad ang face-to-face consultation sa Out-Patient Department (OPD) ng Justice Jose Abad Santos General Hosiptal simula sa Lunes, ika-18 ng Enero.

Kabilang sa mga maaaring magpakonsulta ng personal ay ang mga mga pasyente sa OB-GYN, Pediatrics at Psychiatry departments.


Ang mga nagnanais magpakonsulta ay kinakailangang magpa-schedule sa Facebook page ng nasabing ospital mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Limitado lamang ang mga pasyenteng maaaring magpakonsulta kada araw kung kaya’t pinapayuhan ang lahat na maghintay ng kumpirmasyon ng kanilang schedule.

Mananatili namang bukas para sa publiko ang konsultasyon sa pamamagitan ng Telemedicine.

Facebook Comments