Facebook account ni Glaiza De Castro, na-hack!

41

Na-hack ang Facebook account ng singer-actress na si Glaiza De Castro.

 

Kaagad nag-post ng mensahe gamit ang kanyang instagram account at nagpaalala ito sa lahat na huwag na lang pansinin ang mga post niya sa FB account.

 

Kasama sa mensahe ng aktres ang numerong ginamit para ma-hack ang Facebook account niya.

 

Samantala, mga kasama, lalo pang pinainit nina Enchong Dee, Daniel Matsunaga at Tanner Mata ang panahon ngayon.

 

Ito ay matapos silang rumampa ng naka-brief sa isang underwear show sa Makati City.

 

Nagsigawan ang mga audience nang lumabas ang tatlong hunk actor dahil tanaw na tanaw ng mga ito ang ka-seksihan ng tatlo lalo na ang kanilang 6-pack abs.

 

Facebook Comments