Facebook, walang balak alisin ang ban sa mga accounts ni outgoing US President Donald Trump

91

Inihayag ng pamunuan ng Facebook Inc., na wala silang balak tanggalin ang ban sa Facebook accounts ni outgoing US President Donald Trump.

Kasunod ito ng pahayag na ‘Stop the Steal’ ng ilang taga-suporta ng administrasyong Trump tungkol sa umano’y dayaan noong 2020 US Presidential Election.


Ayon kay Facebook Inc’s Operations Chief Sheryl Sandberg, dadaan muna sa Oversight Board ng kompanya kung sakaling gusto niya itong i-apela.

Indikasyon lamang ito anila na maging ang presidente ng Estados Unidos ay sakop ng kanilang polisiya.

Facebook Comments