Faeldon, hindi pa ligtas na masibak ng Pangulo ayon kay Finance Secretary Dominguez

82

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Finance Secretary Carlos Dominguez na walang opisyal ng Pamahalaan ang exempted o ligtas na sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito naman ang sinabi ni Dominguez sa harap na rin ng pahayag ng Malacañang na buo ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Tinanong kasi si Dominguez dito sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue kung ligtas ba si Faeldon na masibak ng Pangulo kung saan ang sagot nito ay walang ligtas na masibak at kahit aniya siya ay hindi ligtas.


Inihayag din naman ni Dominguez na magsasagawa rin sila ng kanilang sariling imbestigasyon sa issue ngayong kinasasangkutan ni Faeldon matapos matalusot sa Customs ang 6.4 billion pesos na halaga ng shabu.

Hindi naman na nagbigay pa ng iba pang detalye si Dominguez sa naging takbo ng Pulong nila sa malacanang kahapon kasama si Pngulong Duterte.

Hayaan nalang aniya si Pangulong Duterte na sabihin ang mga nangyari sa pulong.



Facebook Comments