
Isang family-friendly evacuation hub na may family room at breastfeeding area ang binuksan sa San Miguel, Leyte para sa mga daan-daang inilikas na pamilya dahil sa pananalasa ng Bagyong Tino.
Ang nasabing pam-pamilyang evacuation center ay magkatuwang na binuksan nina dating House Speaker at Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez, at Tingog Party-list, katuwang si Mayor Norman Sabdao ng San Miguel, Leyte.
Ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, nasa 549 pamilya o 2,072 indibidwal ang tumutuloy sa naturang evacuation complex na may taglay ding malinis at mga komportableng restrooms, may sapat na ilaw, maayos na tulugan at imbakan ng mga relief goods.
Dagdag pa ni Acidre, ang disensyo ng family-friendly evacuation hub ay akma din para sa mga senior citizens, may kapansanan at mga bata.
Umaasa sina Romualdez at Acidre na magkakaroon ng ganitong klaseng pampamilyang mga evacuation centers sa buong bansa para maprotektahan ang mga biktima ng kalamidad habang pinapanatili ang kanilang dignidad.









