Farm contractor, patay matapos pagbabarilin

57

Bataan, Philippines – Patay ang isang farm contractor matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Barangay Parang, Bagac, Bataan.

Sa inisyal na ulat ng pulisya kinilala ang biktimang si Felix Demisilo, may asawa at tubong Novaliches, Quezon City.


Ayon sa mga kasamahan pauwi na umano sila matapos magtanim sa isang upland farm nang biglang may nagpaputok anila ng baril at nakitang nakabulagta na ang kanilang kasamahan.

Dead on arrival ang biktima sa Bataan General Hospital habang inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa krimen.
DZXL558, Mike Cigaral

Facebook Comments