Farm-gate price ng palay, pinakamababa na ngayon sa loob ng 8 taon

Tuluyan pang bumaba ang farm-gate price ng palay sa halagang ₱15.83 kada kilo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang nasabing presyo ngayon ng palay ay pinakamababa sa nakalipas na 8 taon.

Epekto pa rin ito ng rice tariffication law, dahilan upang patuloy na bumaba ang presyo ng mga produktong palay.


Mas mababa rin aniya ito ng halos 30 porsyento kumpara sa presyo nito sa kaparehas na buwan noong nakaraang taon.

Facebook Comments