Tuesday, April 21, 2026

Farm tourism, isinusulong na rin sa mga komunidad para sa paglikha ng mga trabaho sa gitna ng krisis

Isinusulong na rin ng Tourism Department ang farm tourism sa mga komunidad.

Layon nito na makalikha ng livelihood opportunities para sa rural communities.

Lumalabas din na ang Ipilan Nickel Corpration o INC ay nakapaglikha rin ng mahigit isang libong trabaho sa mga komunidad.

Bukod pa sa Php 2.067 bilyon na buwis, royalties, at mga bayad sa regulasyon na nagamit sa mga imprastraktura sa mga lugar na dinadayo ng mga turista.

Sa ilalim kasi ng Social Development and Management Program (SDMP), ang mga nabanggit na kumpanya ay obligado na maglaan ng porsiyento ng kanilang mga gastos sa operasyon para sa mga inisyatiba sa pag-unlad ng komunidad.

Ang mga pagbabayad sa regulasyon at operasyon ay ginawa rin sa mga ahensya tulad ng Philippine Ports Authority, alinsunod sa mga regulasyon sa transportasyon at logistika na may kaugnayan sa pag-shipment ng mineral at paggamit ng pantalan.

Facebook Comments