FASHION DESIGNER SA DAGUPAN CITY, SAGOT ANG MAKE UP AT SUSUOTING GOWN NG ISANG WORKING STUDENT PARA SA KANYANG PROM.

Naantig ang fashion designer na si Rjay Cruz sa kwento ng isang working student na si Arabela Relano, estudyante mula sa Dagupan City at nagtitinda ng kakanin sa kahabaan ng Galvan Street, Dagupan City.
Base sa post ng fashion designer, nilapitan daw umano sila ng dalaga at inalok ng mga paninda nito, kaya napag alaman din nilang estudyante ito ng DCNHS at hindi na aattend sa prom, sapagkat ang perang ipangrerenta sana ay ilalaan na lamang nito sa pag -aaral at gastusin sa bahay.
Minsan lang sa buhay ng isang teenager ang makadalo sa isang prom,kung kayat napabilib nito ang fashion designer, rason upang sagutin na nito ang gown at makeup sa nakatakdang prom ng working student sa darating na March 24.

Patunay nito na hindi lang sa fairytale may fairy godmother sapagkat pinatunayan ito sa totoong buhay ni Cruz sa pamamagitan ng pagtulong at pagtupad sa kahilingan ng isang babae maging maganda at makadalo sa isang pagdiriwang. |ifmnews
Facebook Comments