‘FAT MEMO’ | Jessy Mendiola, inaming nakatanggap siya ng kakaibang memo

203

Inamin ngayon ng aktres na si Jessy Mendiola na nabigyan siya noon ng kakaibang memo mula sa management ng kapamilya network.

Say ni Jessy, nakatanggap daw siya ng “fat memo” kung saan ipinaalala sa kaniya na kinailangan na niyang magbawas ng timbang.

Iginiit pa ng aktres na ikina-depress niya ang paglobo ng kanyang katawan dahil unang-una walang projects na ibinigay sa kanya dahil sa kalakihan nya.

Dahil dito todo workout si Jessy at tumulong din ang kaniyang sariling pamilya at boyfriend na si Luis Manzano para ma-achieve niya ang kaniyang goal.

Sa ngayon, focus muna siya sa pelikula lalo na at first time din niyang makakasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan kasama niya dito si Jericho Rosales.

Facebook Comments