FB account ni Mayor Sara Duterte, sinubukang i-hack

Sinusubukan ng Facebook na maibalik kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang access sa account nito.

Ito ay matapos ma-lock dahil sa mga insidente ng tangkang panghaha-hack.

Ayon kay Davao City Public Information Officer Jefry Tupas – nakipag-ugnayan na ang Facebook sa kanilang kampo ay binigyang linaw ang lockdown sa social media account ng alkalde.


Aniya, itinanggi ng Facebook na isinara ang account ni Mayor Inday, pero ginawa nila ang lockdown dahil may mga nagbabadyang i-hack ang account nito.

Para sa kampo ng alkalde, maaring isagawa ng Facebook ang anumang gusto nitong gawin sa account basta ito ay private business.

Facebook Comments