FDA, handa nang makatrabaho si Secretary Carlito Galvez Jr. matapos italagang COVID-19 vaccine czar

76

Handa na ang Food and Drug Administration (FDA) na makatrabaho si Secretary Carlito Galvez Jr. matapos italagang COVID-19 vaccine czar.

Sa pahayag ni FDA Director-General Eric Domingo, mahusay at very professional si Galvez pagdating sa trabaho.


Sinabi pa ni Domingo na mandato ng FDA na aprubahan ang ligtas at epektibong bakuna na gagamitin sa bansa at imonitor din ang epekto nito kasunod ng gagawing immunization.

Matatandaan na unang iminungkahi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat magtalaga ang Malakaniyang ng “vaccine czar” para pamunuhan ang pamamahagi nito.

Sinisiguro naman ni Galvez na magagawa niya amg trabaho kahit pa siya ang Chief Implementer sa national policy against COVID-19 ng bansa.

Facebook Comments