FDA, iniimbestigahan na ang “bond paper prescription” sa Ivermectin Pan-Three

42

Iniimbestigahan na ng Food and Drug Administration- Regulatory Enforcement Unit (FDA-REU) ang “bond paper prescription” na binigay ng mga doctor sa Ivermectin Pan-Three sa Quezon City.

Ayon kay FDA Director General Usec. Eric Domingo, malinaw na ang mga doktor ang mananagot kung sa isang pirasong papel lamang isinulat ang prescription.


Sa ilalim kasi aniya ng batas, dapat nakalagay ang detalye gaya ng pangalan ng nag-prescribe ng gamot, address, professional registration number at tax receipt number.

Matatandaang pinangunahan nina Congressmen Mike Defensor at Rodante Marcoleta ang pamamahagi ng Ivermectin sa Quezon City kasama ang apat na doktor sa pamumuno ni Doctor Iggy Agbayani na Presidente ng Concerned Doctors and Citizens PH.

Facebook Comments