FDA, naglabas ng abiso sa publiko laban sa 5 herbal oil

1054

Nag-abiso sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa paggamit ng limang herbal oil.

Ito ay dahil sa hindi pa rehistrado sa FDA ang naturang mga produkto.


Kabilang dito ang mga sumusunod:

1. JMS Methyl Salicylate + Menthol + Camphor (Superbscent Oil Extra Hot) 25 mL
2. Methyl Salicylate Camphor + Menthol + Herbal (Genuine Hot Herbalcent Oil) 30 mL
3. Supermagsun Herbal Oil 60 mL
4. JMS Aceite De Manzanilla 25 mL
5. Genuine Effective Oil 25 mL

Nabatid na ang mga nabanggit na produkto ng JMS ay mula sa Taboan, Cebu City.

Facebook Comments