FDA, pinayuhan ang publiko na wag tangkilin ang isang herbal oil

263

Manila, Philippines – Binabalaan ng Food & Drug Administration ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong crystal herbal oil.

Napatunayan kasi sa pamamagitan ng post marketing surveillance ng fda, ang nasabing herbal oil ay hindi nakarehistro at hindi rin nabigyan ng otorisasyon tulad ng certificate of product registration.

Alinsunod sa Republic Act 9711 ang pagsasagawa, pag-angkat, pagbenta, pamamahagi, paglipat, promosyon at pagpapalatastas ng produktong pagkalusugan ng walang otorisasyon mula sa FDA ay mahigpit na ipinagbabawal.


Nabatid na ang hindi rehistradong produktong ito ay hindi dumaan sa proseso sa pagsusuri ng FDA kung kaya’t hindi masiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng naturang produkto.

Ang nasabing produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan nang sinumang gagamit nito.

Facebook Comments