FDA, walang nakikitang problema sa isasagawang imbestigasyon sa mga miyembro ng PSG na nabakunahan ng COVID-19 vaccine

90

Walang nakikitang problema ang Food and Drug Administration (FDA) sakaling imbitahan nila ang ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) para sa isasagawang imbestigasyon tungkol sa hindi awtorisadong pagpapabakuna.

Ito ang naging pahayag ni FDA Director General at Health Undersecretary Eric Domingo sa kabila ang pagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PSG sa dumalo at magsalita sa imbestigasyon ng Senado at Kongreso.


Giit ni Domingo, may sarili silang istilo at paraan sa gagawing pagdinig sa nasabing isyu.

Samantala, inatasan ng Department of Health (DOH) ang PSG na magpasa ng monthly report na magsisilbing monitoring system sa posibleng epekto ng hindi rehistradong bakuna sa kanilang mga miyembro.

Facebook Comments