Federation of Free Workers, nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ni Archbishop Oscar Cruz

49

Nagpaabot ng pakikiramay ang grupong Federation of Free Workers kasama ang iba’t ibang Christian communities sa pagkamatay ni Archbishop Oscar Cruz dahil sa multi-organ failure dulot ng COVID-19 infection.

Ayon sa grupo, malaking kawalan ang pagkamatay ni Cruz na umano’y nakumpleto ang kanyang misyon sa mundo.


Matatandaan na pinamunuan ni Cruz ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) mula 1995 hanggang 1999 kung saan ginamit niya ang kaniyang prophetic voice laban sa mga abusado sa gobyerno at aktibo rin siya sa paglaban sa sugal na jueteng.

Facebook Comments