FERTILIZER ASSISTANCE NG DA, DINALA SA BUGALLON

19

BUGALLON, PANGASINAN – Inihatid sa bayan ng Bugallon ang fertilizer assistance mula sa Rice Resiliency Project ng Department of Agriculture.

Ang nasabing programa ng ahensya ay para sa mga rehistradong magsasaka sa bayan. Ito ay upang makabawi sila sa pagkalugi.


Ayon sa pamahalaang lokal, lubos umanong nakita ang kahalagahan ng mga magsasaka ngayong pandemya kaya dapat daw na madagdagan pa ang mga programang makakatulong at makakasuporta sa kanila.

Nagpasalamat naman ang mga benipisyaryo sa nasabing bayan sa kanilang natanggap mula sa kagawaran ng agrikultura.

Facebook Comments