FERTILIZER FUND SCAM | Napoles at iba pang kawani ng DA, pinakakasuhan ng Ombudsman

197

Manila, Philippines – Pinakakasuhan ng Ombudsman si Pork Barrel Queen Janet Lim-Napoles at iba pang opisyal ng Department of Agriculture dahil sa fertilizer fund scam.

Sa resolusyon ng anti-graft body, napag-alaman na nagpasok ng 5-milyong pisong pondo ang DA regional field unit – CARAGA para sa agricultural reinforcement project sa Del Carmen, Surigao del Norte noong 2004.

Pero lumabas sa imbestigasyon na walang nakalaang pondo para sa nasabing proyekto sa ilalim ng general appropriations act sa halip ay ipinasok ito sa Philippine Social Development Foundation, Inc. (PSDFI) bilang non-government office.

Maliban kay Napoles, nahaharap din sa kasong graft at malversation sina DA Asst. Regional Dir. Edgardo Dahino; Chief Admin. Officer Jessica Da-an; Admin. Officer Merylinda Santos at Accountant III Gerry Leop.

Kinasuhan din pati ang mga kawani ng PSDFI na sina Evelyn de Leon at Rodel Pontillas.

Facebook Comments