FFW, nanawagan na imbestigahan ang red-tagging sa mga inosenteng sibilyan

53

Umapela ang grupong Federation of Free Workers (FFW) sa mga mambabatas na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa pagre- red-tagging sa mga inosenteng sibilyan.

Nanawagan ang grupo na kung mayroon mang matibay na ebidensiya dapat dalhin ang suspek sa korte.


Matatandaan na binatikos ang Armed Forces of the Philippines matapos na paratangan ang ilang mga sikat na celebrities na may kaugnayan sa mga komunista dahil lamang sa kanilang pagpapahayag ng mga opinyon sa iba’t ibang isyu sa gobyerno.

Facebook Comments