FIBA | Batang Gilas, makakaharap ang Australia sa semifinals ng 2018 FIBA U18 Asia Championship

Umusad na sa semifinals ng 2018 FIBA U18 Asia Championship ang national team ng Pilipinas matapos talunin ang Bahrain sa quarterfinals

Nanalo ang Pilipinas sa score na 67-52 kung saan bumida sa panalo si Kai Sotto na 21-points.

Dahil din sa panalo, nakakuha na rin ng puwesto ang national squad sa FIBA U19 World Cup matapos ang apat na dekadang pagkawala.


Makakaharap naman ng Pilipinas ang team ng Australia sa semifinals.

Facebook Comments