FIBA | Gilas Pilipinas at Iran, maghaharap ngayong araw

Makakaharap ngayong araw ng Gilas Pilipinas ang Powerhouse Iran sa paglarga ng fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers Sa Azady Gym sa Tehran, Iran.

Papatak ang tapatan ng Pilipinas at Iran alas-8:30 ng gabi (oras sa Pilipinas).

Pangungunahan ang Pilipinas nina Christian Standhardinger, JP Erram, Paul asi taulava, raymond almazan, paul lee, marcio Lassiter, Scottie Thompson, alex cabagnot, beau belga, ian sangalang, allein maliksi at Gabe Norwood.


Tiwala naman si Standhardinger na makasasabay ang Pinoy Cagers sa mas matatangkad na Iranian squad.

Kasama rin sa delegasyon sina Greg Slaughter, Japeth Aguilar at Matthew Wright.

Pero hindi makalalaro si Slaughter dahil nagpapa­galing pa ito sa injury habang may isang-larong suspensiyon sina Aguilar at Wright.

Galing ang Iran sa runner-up finish sa katatapos na Asian Games sa Jakarta, Indonesia kung saan natalo ito sa China sa finals.

Facebook Comments