FIBA | Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes, umaasang makukumpleto na ang mga players sa practice ng national team

41

Manila, Philippines – Umaasa si Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na makukumpleto na sa mga susunod na practice ang national pool para mapaghandaan na ang nalalapit na third window ng FIBA World Cup Qualifier.

Ayon kay Reyes, kulang na sila sa panahon lalo na at sa June 29 na ang start ng laban kung sana kanilang makakaharap ang national team ng Chinese Taipei.

Sinabi ni Reyes na bagaman at nagpakita na si Naturalized Filipino Player Andray Blatche at Calvin Abueva sa team practice, tinatawagan naman nito ng pansin ang iba pang manlalaro na nasa Gilas Pool na sumama na sa ensayo para paghandaan ang mga offense at defensive plays.

Nabatid kasi na sa June 25 pa posibleng makumpleto ang mga players ng Gilas Pilipinas Pool kaya at wala na din oras si Reyes para makapili pa ng isasama nito sa official line-up.

Facebook Comments