FIBA | Gilas Pilipinas ‘must win’ sa crucial match-up kontra Iran

36

Target ng Gilas Pilipinas na muling makabalik sa win column at manatiling buhay ang pag-asa na makapasok sa 2019 FIBA World Cup kontra Iran mamayang ala-siyete y media ng gabi sa MOA Arena.

Kailangan manalo ng Pilipinas sa Iran matapos ang nakapanlulumo nitong pagkatalo sa Kazakhstan, 92-88 kamakailan.

Dahil sa pagkatalo, bumagsak sa 5-4 win loss record ng Pilipinas sa Group F at kapareho na ng Japan.

Inaasahan naman ni Coach Yeng Guiao na malaki ang maitutulong sa pagbabalik sa line-up nina Christian Standhardinger, Beau Belga, Arwind Santos at Troy Rosario kontra sa mga Iranian.

Nasa unang puwesto pa rin ang Australia sa 8-1 na marka habang pangalawa ang Iran na may 6-3 na kartada.

Ang top three sa Group Stage ang uusad sa FIBA World Cup finals.

Facebook Comments