FIBA | Gilas, todo ang paghahanda sa laban nito kontra Iran

Magiging pahirap sa Gilas Pilipinas ang makakaharap nilang Iran sa second round ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Aminado si Gilas coach Yeng Guiao, sakit nila sa ulo ang beteranong NBA player na si Hamed Haddadi ng Iran.

Maliban kasi sa tangkad nito, problema nito ang malawak na karanasan nito sa international arena.


Pinaghahandaan din ng pambansang koponan ang mga malalaking guards ng Iran.

Dahil dito, magdamag ang pagplantsa nila ng diskarteng ilalatag nila sa makakatunggali nila.

Samantala, bago tumulak patungong Tehran, Iran, nagsagawa muna ng final practice ang team.

Facebook Comments