FIBA | Greg Slaughter may go signal na para maglaro bilang “local” player sa Team Pilipinas

45

Good news sa Team Pilipinas.

Makakapaglaro na sa national men’s basketball team ang big man na si Greg Slaughter.

Mismong si Slaughter ang nagkumpirma sa magandang balita na wala nang komplikasyon sa kaniyang paglalaro kontra Iran at Qatar sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Qualifiers.

Sa kaniyang mensahe sa kaniyang Twitter account, sinabi ni Slaughter na pinayagan na siya ng FIBA, ang world governing body ng basketball, na maglaro bilang local player. Ibig sabihin Pinoy na Pinoy ang sentro ng Barangay Ginebra Gin Kings.

Dahil dito, pagpipilian na lamang ni Head Coach Yeng Guiao sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle kung sino sa kanila ang magiging naturalized player ng Team Pilipinas.

Iisa lang kasi ang puwedeng naturalized player sa koponan batay na rin sa eligibility rules ng FIBA.

Facebook Comments