FIBA | Team PH, susubukang manalo sa Turkmenistan at host team China

47

Manila, Philippines – Susubukan ngayon ng Team Pilipinas na manalo sa huling dalawang laro nito sa preliminary round sa group C ng FIBA 3×3 Under-23 World Cup.

Makakaharap ng Pilipinas ang Turkmenistan at ang host team ng China kung saan may tsansa pa sila nila na makausad sa susunod na round kung mapapanalo ang nasabing laban.

Matatandaan natalo ang national team sa unang araw ng tournament laban sa Serbia (21-16) at Slovenia (21-14).

Ang top two team sa bawat grupo ang siyang papasok sa next round kaya at umaasa si Coach Ronnie Magsanoc na makakasungkit ng panalo ang kaniyang mga players na sina Ricci Rivero, Rhayyan Amsali, Jeepy Faundo at RJ Abarrientos na pamangkin ni PBA legend Jhonny Abarrientos.

Facebook Comments