Fiberglass boats na ibinigay sa 22 mangingisdang Pinoy, pang-municipal waters lang – BFAR

562

Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na pang-municipal waters lang ang fiberglass boats na ibinigay sa 22 magsasakang nasagip mula sa insidente sa Recto Bank.

Kwento ng mga magsasaka, hindi pa kasi nila magamit ang mga bagong bangka dahil hindi akma ang makina nito at limitado lang ang mararating nito.


Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona – pansamantala lamang ang mga ito habang isinasaayos ang F/B Gem-Ver 1.

Papalitan aniya ang mga motor ng mga bangka.

Sa kabila nito, hiling ng mga mangingisda na mapabilis ang pagsasaayos sa lumubog na bangka.

Facebook Comments

From Advertisers