Fiesta Mass para sa Itim na Nazareno, kasado na

72

Magkakaroon ng fiesta masses para sa mga debotong hindi makadadalo ng Kapistahan ng Itim na Nazareno bukas, January 9 sa Quiapo Church sa Maynila.

Ayon kay Quiapo Church Rector Monsignor Hernando Coronel, ang mga parokya sa Archdiocese of Manila ay magkakaroon din ng kanilang sariling fiesta mass.


Ang iba pang parokya sa ibang diocese tulad ng Cubao, Pasig, Parañaque, Caloocan at Novaliches ay magsasagawa ng fiesta masses.

Maging sa mga probinsya ay magkakaroon din ng fiesta mass.

Tanging 400 deboto lamang ang papayagang pumasok sa simbahan kada misa, ang mga hindi makapapasok ay kailangang pumila sa Villalobos Street, 30 minuto bago ang misa.

Magkakaroon ng 15 misa ang Quiapo Church simula alas-4:30 ng umaga hanggang alas-12:00 ng madaling araw.



Facebook Comments