FIFA | Croatia, tinalo ang England sa semifinals ng 2018 FIFA World Cup

26

Russia – Ginulat ng Croatia ang football fans matapos ang come from behind win kontra England sa Semifinals ng 2018 FIFA World Cup na ginaganap sa Russia.

Sa nasabing laro, unang nakapuntos ang England sa unang limang minuto pero naitabla ito ng Croatia pagsapit ng 68 minutes hanggang sa matapos ang oras.

Dahil dito, binigyan ng kalahating oras na extension ang laban kung saan muling naka-goal ang Croatia kaya natapos ang bakbakan sa score na 2-1.

Makakaharap ng Croatia sa finals ang national football team ng France na unang nanalo kontra Belgium sa kanilang semifinals series sa score na 1-0.

Facebook Comments