Fil-Am na may kasong child molestation, arestado ng PCG at BI

43

Nagsanib-pwersa ang Philippine Coast Guard (PCG), U.S. Embassy at Bureau of Immigration (BI) sa pag-aresto sa isang Filipino-American na may arrest warrant dahil sa kasong child molestation.

Kinilala ang suspek na si Francisco Loreno Jr.


Si Loreno ay dumating sa Pilipinas noong October 8 ng taong ito sakay ng Japan Airlines.

Agad namang nakipag-ugnayan ang U.S Embassy sa PCG at Bureau of Immigration para maaresto ang naturang Fil-Am.

Facebook Comments