Fil-am rapper na si Apl De Ap, makakabilang na sa Hollywood Walk of Fame

Makakatanggap na ng star sa Hollywood Walk of Fame ang grupong Black Eyed Peas kabilang na ang kanilang miyembro at Filipino-American rapper na si Apl De Ap.

Nakilala ang Pampanga-born musician na si Allan Pineda Lindo sa kanilang mga awiting Where Is The Love, I Gotta Feeling, at Bebot.

Bago nito ay nakatanggap na rin ng pagkilala si Apl De Ap sa American Music Awards, Billboard Music Awards, Grammys at MTV Video Music Awards.


Matatandaang kahit nasa ibang bansa ang Fil-Am rapper ay patuloy pa rin nitong ipinagmamalaki ang kaniyang pagiging dugong pilipino.

Facebook Comments